Saturday, July 23, 2011

GrUdGE!!!

Nung last wednesday... First time ko lang napanuod at nalaman sa Umagang Kay Ganda, ang tungkol sa Crush Videos... hindi na kasi ako nakakapanuod ng mga palabas sa prime time bida pagkauwe galing sa school dahil natutulog muna ako kaagad pagkauwe kung hindi kasi'y dinadalihan ako ng migraine, maliban sa 100 days to heaven na kahit sumasakit ang uloy tuloy parin sa panunuod.

Talagang napukaw ang aking isipan at damdamin na kahit alam kong malalate ako'y pinaglaanan ko talaga ng pansin ang panunuod. Sobrang grabeh ang mga taong gumagawa niyon, Nakakapangigil na parang kulang nalang pag-untugin ko(kung pwede) yung tatlong babaeng nasa video nang matauhan! Kung pwede nga lang ako mismo ang tatapak at pipirat sa mga mukha nila kasama yung nagvivideo kapag nahuli sila kaso hinde naman ganun ang batas. Ang nakapagtataka pa nga, anong benefit ang maidudulot nito kahit ninoman- diba wala? Sino naman kaya ang gustong makakita ng may pinapatay mapatao man o hayop, maliban nalang siguro kung may galit ka? But, what harm can animals do? especially yung domestics animals na tinatawag pangang pets? Hindi manlang nila naisip na, may pakiramdam din ang mga ito at para ding tao magisip. Wish you all the worst karma, sa lahat ng mga gumagawa nito.

Bata pa lang kasi kami, tinuruan na kami ng mga magulang namen magalaga nga hayop at papanong mahalin sila at hindi rin naman sila mahirap mahalin, hindi katulad ng ibang tao. Kung ituring kasi samin ang hayop ay parang tao din,madals panga ay kinakausap. Sa katunayan nga, marami na kaming hayop na inalagaan at inaalagaan yung ibay nagkandamatayan na nga lang, sa kasalukuyan, meron kaming 3 aso sa kabilang bahay, 6 pusang lokal, at 13 na Persian Cat... the more the cat, the more the gastos: cat food, milk, vitamins, paligo pa etc. pero ayos lang kasi hindi dahil sa hindi pwedeng pabayaan nalang kung hindi, dahil sa hindi mataim na hayaan nalang.

Sana naman gumawa ng paraan ang ating gobyerno na masugpo na ang ganitong gawain. Dahil kahit Kailan ay wala naman sigurong maidudulot na maganda ito sa ating lipunan.

No comments:

Post a Comment