Powered By Blogger

Saturday, September 17, 2011

Kasurang Kapalit! (a personal account)


Noong nakaraang hulyo ng taong ito, nagyaya ang gaming kaibigan na si Maryknol sa aming dalawa ni Ruby na magpunta ng mall upang maggala. At dahil sa, ngayon lamang ulit namin siya nakita sa hinaba-haba ng panahon, kaya pinagbigyan na naming siya kahit na itong si Ruby ay talaga namang uwing-uwi na. Hindi lamang namin alam na iyon narin pala ang huling beses na makikita namin si Marynol na pumasok dahil pakiramdam naming na tinatamad na talaga siyang pumasok at sa kadahilanang hindi rin niya sa amin diretsong sabihin, ang sabi lang niya kaya na naman daw sila buhayin ng kuya kahit na may sariling pamilya na ito. Binibiro-biro ko na lamang nga siya kung minsan na baka buntis din siya kaya hindi siya pumapayat, o di kaya ay magaasawa na lamang, na tinatawanan na lamang din niya sa tuwing tinatanong ko sa kanya. Pero, teka lang, kung sa inaakala niyo na tungkol ito sa kanya, nagkakamali kayo, dahil bahagi lamang ito ng tungkol sa mangyayari sa akin.

Dahil wala narin namang ginagawa at nakatambay na lamang sa library at nagdadaldalan na lamang, napagpasyahan narin naming magpunta ng mall. Sa totoo lang, hindi ko na tanda kung anong unang pinaggagawa namin sa mall na pakay ni Maryknol, nagwindow shopping ata kami niyon o, may binili din si Maryknol. Ang tanda ko na lang ay pagkatapos niyon ay kumaen kami sa Mcdonalds na kung saan unang beses nanglibre si Maryknol sa amin (ewan ko lang din sa iba, dahil ngayon ko lang nakasama siya ng matagal –tagal at dahil ngayon ko lang siya nagging kaklase). Pagkatapos naming kumaen ay napagpasyahan kong tumingin ng sandals sa isang boutique. Sa totoo lang ay matagal ko nang magkaroon ng ganoong sandals, sapagkat, naiinis ako sa kalyong tumutubo sa bawat daliri ng paa ko kapag inaraw-araw ko ang pagsasapatos. Kaso nga laang ay laging kapos ang pera ko dahil na rin sa medyo may kamahalan at ang mama kung magbigay ay sapat lamang talaga sa pang araw-araw na kung minsan ay kulang panga ang ibigay, at sa ganoong paraan ay talga namang hirap ako sa pag-iipon, sa madaling salita, hindi ako yung tipo ng tao na magaling humawak ng pera. Ngunit sa ngayon, na ang kuya ko na ang nagbibigay ng  baon ko ng buwanan sa pamamagitan ng ATM, ay mas may pag-asa na akong bumili kaagad ng gusto kong bilhin lalo na kapag kinakailangan. Ang problema nga lamang, kadalasan ay nakakatuksong gumastos ng gumastos kahit sa mga bagay na hindi pa naman kailangan o walang kapararakan lalo na’t alam natin sa panahon ngayong, pahirap ng pahirap ang buhay.

Kasama ko ang dalawa sa pagtingin- tingin ng mga sandals kahit na hindi ko parin naman talaga balak sa araw na iyon bumili, ngunit naisip ko din na ito na ang panahon na makakabili ako niyon sa tagal na tagal narin ng panahon na binalak ko. At saka, naisip ko din na nakakahiyang hindi pa bumili sa oras na iyon sa tinagal- tagal ng pagtingin tingin namin dun at sa bawat araw na nag wi-window shopping ako dun. Sa tagal- tagal na pagpili ko dun at paulit- ulit na pagtatanong sa dalawa kung anong mas maganda ay nakaplili narin ako. Ngunit, nung babayaran ko na, pahkita ko sa wallet ko’y ang dala kong pera ay talgang kulang kaya napagpasyahan ko munang magwithdraw, sapagkat hindi parin daw available sa boutique na iyon ang payment thru ATM card.

Pumunta ako sa pinakamalapit na ATM na BDO kahit alam ko na may charge ang sapagkat BPI ang aking card. Dahil narin siguro sa masyadong excited ako kaya hindi ko naisip maghanap ng BPI ATM. Ngunit, ang mga sumunod na mga pangayayare ay talaga namang halos makapagpaiyak sa akin at muntikan na akong mawalan ng pag-asa. Sa katunayan, may isang ale na siguroy nasa edad kwarenta pataas na nauna sa akin. Napansin kong napakatagal nung ale at para bang problemado. Sinilip ko tuloy ang nakalagay sa screen at nabasa ko ng paulit-ulit ang “transaction not valid” kahit na ilang beses na niyang pinasok ang kanyang BDO card. Tinanong ko siya, at sinabe niya na noong una okey naman daw, nakapagbalance inquiry panga naman daw siya, pero pagkatapos ipinasok niya ulit yung kanyang card at ayaw na tanggapin nung ATM ang card niya. Sinabe nung ale na itry ko daw yung sa akin, kaya itinry ko din naman. Okey, tinanggap ang card ko, nakapgbalance inquiry panga ako at nkuha ko pa ang resibo. Pinindot ko ang withdraw button at tinype ang amount at ang pin. Habang napapakinggan ko ang pagbilang ng pera sa loob ng ATM, sabi ko sa sarili ko na “sa wakas makakabili na ako!”. Nasilayan ko na ang pera, gunit nung kukunin ko na, bagulat ako ng biglang bumalika ang pera ko. Napatigil ako at hindi nakakakibo ng ilang segundo. Nagkatinginan kami nung ale. Hindi ko alam kung matatawa ako sa inis o maiinis ako dahl hindi na nakakatuwa. Sinubukan o ulit ipasok ang card ko ngunit ayaw na din tanggapin. Maya- maya pa ay bumalik ang guard na anakabantay sa may entrance ng Department Store na kung saan andun ang ATM na nagluko. Tinanong ko si manong guard at sinabi ang mga nangyari sa akin. Nakakasura na tinawanan lamang ako ng guard at sinabin imposible daw na mangyari iyon. Palagay ng guard na iyon na hindi ako nahihiyang manloko habang nakasuot ng P.E. uniform ng eskwelahan na pinapasukan ko?! Itinuro ko ang ale at nagpaliwanag din yung ale, na mukha namang naniwala na ang guard sa sinabi ng ale. Pinayuhan na lamang niya kameh na magpunta sa isa pang BDO ATM at icheck ang balance, na ginawa ko nga ta napagalaman kong nagbawas nga ang amount na kinain ng ATM na iyon sa account ko. Binilang ko pa ulit at hindi nag ako nagkamaling nagbawas ito.

Nagwithdraw muna ako ulit sa bagong ATM ng amount na pambayad sa bibilhin kong sandals dahil alam kong naghhintay sila sa akin at nabili ko na din naman ito. Ipinaliwanag ko sa dalawa kung bakit ako natagalan. Nauna silang umuwi at pinuntahan ko muna ang BDO office nila upang magtanong kung bakit ganon. Noong papasok pa lamang ako ay hinarang ako ng guard at tinanong at nagpaliwanag din naman ako. Nakasusura na naman at ganun din ang sinabi niya katulad ng sinabi nung unag guard… tumawa at sinabeng imposibleng mangyari. Nakapasok na ako sa loob at sa medyo mahaba haba ding oras na akoy naghintay ay binigyan lamang nila ako ng hotline na kailanagna ko daw tawagan.

Pagkauwi ko sa bahay ay tinawagan ko ang nuemrong bibigay nila sa akin ng paulit ulit ngunit paulit-ulit rin namang out of service kaya inisip ko nalang na baka wala pa talaga ngayon baka bukas pwede na. Tinawagan ko ulit kinabukasan, ganun padin. Ang kaso, walang pasok kaya tinamad nadin ako magpuntang bayan akaya sabi ko sa lunes na lamang. Dumating ang lunes at pinuntahan ko ulit. Ang sabi nung babae dun, tawagan ko daw muna ulit at bingyan nila ko ng isa pang number. Makalipas ang halsos isang lingo, walang nagyari, kaya pinuntahan ko sila ult ang sabi , puntahan ko daw muna ang BPI Office dahil sa kanila naman daw ang card. Sabi naman ng BPI, sa BDO ang fault dahil sa kanilang ATM. Pagkakamali ko din talaga ay ang paggamit ko ng ibang Bank, pero alam ko pwede naman iyon, kaya nga may charge eh. Nakakinis ang pinaggawa ng dalawang banko na iyon. Para akong bola ng basketball na pinagpapasa-pasahan, na hindi alam kung saan ba talaga ang tamang net.

Kung hindi pa ako nagsabi sa mama, ay hindi ako bibigyan ng pansin ng dalawang hambog na bangko na iyon. Nagfile ako ng complaint sa BPI at ipinangako naman nila na aayusin nila iyon ngunit medyo matatagalan sa pagiimbestiga ng minsan ay umaabot ng anim na buwan. “Anim na buwan!”, na magpasa-hanggang ngayon ay inaabangan ko parin  kung bumalik o babalik pa ang pera sa ko.


No comments:

Post a Comment